Ikinakasa na ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang database ng mga binakunahan na kontra COVID-19.
Ito, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ay upang mas mapadali ang validation sa mga nabakunahan at maiwasan ang pamemeke ng vaccination records.
Sa pamamagitan ng DICT database, hindi lang anya ang iba’t-ibang local government ang magtitiwala sa vaccination record, kundi maging ang ibang bansa.
Ipinaliwanag naman ni Roque na lahat ng datos ng local government units kaugnay sa vaccination ay didiretso sa database. —sa panulat ni Drew Nacino