Hinatulang guilty ang dating Abra Governor sa kasong pagpatay kay dating Abra Congressman Luis Bersamin, 9 na taon na ang nakakaraan.
Batay sa desisyon ng Quezon City RTC, napatunayang si dating Abra Governor Vicente Valera ang nasa likod ng pagpapapatay kay Abra Congressman Luis Bersamin, kapatid ni Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin.
Matatandaan na pinagbabaril si Bersamin sa harap ng Mount Carmel Church sa Quezon City noong December 16, 2006.
Sinasabing ipinaligpit ni Valera si Bersamin dahil sa plano sana nitong pagtakbo bilang gobernador ng Abra noong May 2007 elections.
By Len Aguirre | Bert Mozo (Patrol 3)