Pumanaw na ang dating action star na si Rex Lapid o Roberto Cabrera sa tunay na buhay, sa edad na 73.
Ayon sa kapatid ni Rex na si Lucy Cabrera, sepsis ang ikinasawi ng kanya kapatid noong Biyernes, ika-15 ng Enero.
Nagka-mild stroke na rin aniya ito noong Agosto ng nakaraang taon kaya hindi na ito nakakalalakad o nakakaupo mag-isa.
Naulila ni Rex ang misis na si Bebeth at ang kanilang dalawang anak habang may tatlong anak din ang yumaong action star sa dating aktres na si Helen Imperial.
Si Rex ay pinsan ni Senador Lito Lapid at aktor na si Jess Lapid Sr.