Naniniwala pa rin si dating AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon na magdedeklara ng kaniyang 2016 presidential bid si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Gayunman, sinabi sa DWIZ ni Esperon na maaaring magdeklara si Duterte hanggang bago ang pagsisimula ng filing ng COC o Certificate of Candidacy sa October 12.
Iginiit ni Esperon ang pagsuporta kay Duterte na aniya’y may magandang track record at kaniya itong nasaksihan noong madestino siya sa Mindanao.
By Judith Larino | Karambola