Guilty ang hatol ng Sandiganbayan 2nd Division kay dating AFP Comptroller, Maj. Gen. Carlos Garcia matapos ang 12 taon na plea bargaining agreement.
Sa 8 pahinang desisyon, pinatawan ng Anti-Graft Court si Garcia ng 4 hanggang 8 taong pagkakakulong matapos mapatunayang guilty sa kasong direct bribery noong nasa pwesto pa.
Pinagbabayad din ng Korte ang dating opisyal ng mahigit P400 million na tatlong beses na mas mataas kumpara sa isinasaad ng plea bargaining agreement na P135 million.
Nakasaad din sa hatol na hindi makalalabas ng kulungan si Garcia hangga’t hindi nababayaran nang buo ang multa.
Guilty rin ang hatol sa dating AFP general sa kasong ‘facilitating money laundering’ na may katapat na kulong ng 4 hanggang 6 na taon at multa na P1.5 million.
Ang mga kaso ay nag-ugat mula sa iregularidad sa kanyang statements of assets, liabilities and net worth at mga nadiskubreng ‘ill-gotten wealth’ ng kanyang pamilya habang nasa serbisyo.