Pinatunayan ng dating aide ni Senadora Leila de Lima na si Jonel Sanchez ang relasyon ng dating kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa drayber nitong si Ronnie Dayan.
Sa pagharap sa House Committee on Justice, sinabi ni Sanchez na si Dayan ay natutulog sa mismong tinutuluyan ni De Lima.
Maliban dito, ginagastusan din ng husto ng dating kalihim ng DOJ ang drayber nitong si Dayan.
Bahagi ng pahayag ni Jonel Sanchez
Taong 2012 nang makumpirma umano ni Sanchez ang relasyong ito ni De Lima kay Dayan.
Ito ay matapos niyang mapanood ang sex video ni De Lima at Dayan.
Bahagi ng pahayag ni Jonel Sanchez
Nawala naman aniya sa eksena si Dayan nang dumating ang bagong security aide ni De Lima na si Warren Cristobal.
Pinagselosan umano ni Dayan si Cristobal na naging dahilan ng pagkakatanggal nito.
Bahagi ng pahayag ni Jonel Sanchez
By Ralph Obina