Kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan ang dating Alkalde ng Cebu dahil sa pagkakasangkot nito sa fertilizer fund scam.
Ito’y makaraang ipag-utos ng office of the ombudsman ang pagsasampa ng graft charges laban kay dating Bogo Mayor Celestino Martinez III at municipal treasurer Rhett Minguez ng paglabag sa section 3-e ng Republic Act number 3019 o anti-graft and corrupt practices act.
Nag-ugat ang kaso dahil sa umano’y maanomalyang implementasyon ng 2004 farm inputs and farm implements program na nagkakahalaga ng 6 milyong piso noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapaga-Arroyo.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na tumanggap ng 6 na tseke ang Bogo municipal government mula sa Department of Agriculture regional field unit VII para sa procurement ng palay at mais.
Pagkatapos nito, pumasok sa isang undated memorandum of agreement ang municipal government sa “sikap yaman”, isang non-government organization na natuklasang kulang sa accreditation na kinakailangan sa ilalim ng circular ng commission on audit.
By: Meann Tanbio