Pumanaw na ang dating alkalde ng Pagbilao, Quezon na si Romeo Portes, Isang linggo matapos ito pagbababarilin sa harap ng bahay ng kanyang anak.
Ito ang kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Pagbilao sa kanilang Facebook page.
Labis anilang ikinalulungkot ang pagkamatay ng isa itinuturing na mabuting ama at mahusay na tigapaglingkod ng kanilang munisipalidad.
Ayon sa Quezon Police Provincial Office, nasawi si Portes noong Disyembre 3 habang ginagamot sa isang ospital sa Taguig.
Batay sa mga naunang ulat, alas-5 ng hapon ng Nobyembre 24 nang barilin si Portes ng mga salaring riding in tandem sa harap ng gusali kung saan nakatira ang kanyang anak.
Nagsilbi siPortes bilang alkalde ng Pagbilao mula 1998 hanggang 2006 at 2011 hanggang 2013.