Pinagmumulta ng Ombudsman si dating Balangiga, Eastern Samar Mayor Viscuso de Lira dahil sa umano’y paglalagay ng maling impormasyon sa kanyang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Networth.
Ayon sa Ombudsman, nilabag ni De Lira ang Code of Conduct for Public Officials at inatasan na magbayad ng multa na katumbas ng kanyang sweldo sa loob ng anim na buwan.
Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na idineklara ni De Lira ang kanyang Nissan Patrol Super Safari na nagkakahalaga ng 1.8 Million Pesos, gayong ang actual value nito ay nasa Tatlong Milyong Piso.
Bukod dito, nabigo rin si De Lira na ideklara ang pag-aari niyang Sampung high-powered firearms sa kanyang SALN mula 2011 hanggang 2013.
By: Meann Tanbio
Dating Alkalde sa Eastern Samar pinagmumulta ng Ombudsman was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882