Pumanaw na si dating ambassador Jose Apolinario Lozada Jr. sa edad na 67.
Ayon sa anak ng dating ambassador, na-confine si Lozada sa National Kidney and Transplant Institute dahil sa brain hemorrhage bago ito nasawi.
Si Lozada ay dating itinalagang ambassador ng Pilipinas sa mga bansang Austria, Palau at sa Holy See.
Naglikod din si Lozada bilang Adviser for Foreign Affairs at Appointment Secretary ni dating Pangulong Fidel Ramos mula 1992 hanggang 1998.
Dalawang termino ding nanungkulan si Lozada bilang Congressman ng Negros Occidental hanggang 2004.
Nagsilbi rin si Lozada bilang Foreign Affairs Adviser sa tanggapan ni dating Vice President Jejomar Binay.
—-