Pumanaw na si dating Ambassador Lauro Liboon Baja Jr. sa edad na 86 taong gulang.
Ayon sa pamangkin ni Baja na si Philippine Ambassador to Morocco Leslie Baja, inatake sa puso ang dating envoy noong Pebrero 8.
Si Baja ay naging ambassador ng Pilipinas sa Italy, Brazil, at maging sa UN nang makakuha ng upuan ang bansa sa UN Security Council mula 2004 hanggang 2006.
Nabatid na ihahatid sa kanyang huling hantungan si Baja sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City.