Pumanaw na ang dating Asia’s sprint queen na si Lydia de Vega sa edad na singkwenta’y syete matapos ang mahabang pakikipaglaban sa breast cancer.
Kinumpirma ni Stephanie Mercado De na binawian ng buhay ang kanyang ina sa Makati Medical Center, kagabi.
Taong 2018 nang ma-diagnose ang Asia’s fastest woman ng stage four breast cancer.
Sumailalim din ang pinay sports icon sa brain surgery noong isang buwan pero hindi rin ito nakatulong at simula noon ay lagi ng nasa intensive care unit.
Nakilala si De Vega bilang sprint queen ng Asya matapos magkampyon ng dalawang beses sa Asian Games noong 1982 at 1986.
Nag-uwi rin siya ng siyam na gintong medalya sa South-East Asian Games at naging kinatawan ng Pilipinas sa 1984 at 1988 olympics.