Hinimok ni dating Australian Prime Minister Tony Abbott ang Europa na isara na ang kanilang borders sa mga migrant na lumilikas mula sa Gitnang Silangan.
Iginiit ni Abbot na dapat na gayahin ng Europe ang kanilang naging hakbang kung saan kanilang pinipigilang makapasok sa kanilang bansa ang naturang refugees.
Binigyang diin ni Abbott na isang malaking kamailian ang pagbubukas ng ilang mga bansa sa mga migrants dahil sa maaari aniya itong maka-apekto sa seguridad at ekonomiya.
Matatandaang libu-libo katao ang humihingi ng asylum sa European countries dahil sa tumitinding kaguluhan sa Middle East.
By Ralph Obina