Muli umanong magbabalik sa National Basketball Association o NBA si dating Barangay Ginebra San Miguel import Orlando Johnson.
Ito’y matapos mapaulat na pinalagda ito ng 10-day contract ng Phoenix Suns.
Ang 26-anyos na si Johnson na second round pick sa 2012 NBA draft ay naging import ng Gin Kings sa Governors’ Cup noong nakaraang season.
Matatandaang sa unang pagsabak ni Johnson sa piling ng Ginebra ay kumamada agad ito ng 50 points.
By Jelbert Perdez
*Photo credit: nba.com