Nangangamba si dating Bayan Muna Party-List Rep. Teddy Casiño sa plano ni Vice President Sara Duterte na kunin ang ama nitong si dating pangulong Rodrigo Duterte bilang abogado para sa kanyang kinakaharap impeachment complaint.
Ayon kay Casiño, baka maging mala-circus ang pagdinig kaugnay sa pagpapatalsik kay VP Sara dahil sa presensya ni dating pangulong Duterte.
Ipinunto ng dating mambabatas ang ipinakitang asal ng dating pangulo sa pagdinig ng senado hinggil sa sinasabing extrajudicial killings noong kaniyang administrasyon.
Sinabi ni Casiño, sa halip na seryosong mapag-usapan ang reklamo sa bise presidente ay mauwi ito sa politika, pagbabanta, pananakot at iba pang side issues.
Gayunman, nilinaw ng dating kinatawan ng bayan muna, na hindi iligal ang nasabing aksyon ng bise presidente dahil entitled ito na kumuha ng sinumang abugado.
Si Casiño ay bahagi ng ikalawang impeachment complaint na inihain laban kay VP Sara. – Sa panulat ni John Riz Calata