Idinawit ng Government Witness na si Roberto Catapang Junior ang bayaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa 8.7 Billion Peso fake right-of-way scam sa Mindanao.
Ayon kay Catapang, ginagamit ng sindikato sa likod ng scam ang pangalan ng negosyanteng si Eldon Cruz bilang isa sa mga nag-e-endorso ng right-of-way claims para sa pag-release nito.
Sa press conference kahapon ng Department of Justice sa pangunguna ni Secretary Vitaliano Aguirre, idinetalye ni Catapang kung paano pine-peke ng mga sindikato ang mga titulo.
Si Catapang ay kasalukuyang nasa ilalim ng Witness Protection Program ng D.O.J. matapos isiwalat ang naturang scam.