Tatlo ang patay kabilang ang dating Provincial Board Member ng Aurora at dating Vice Mayor ng Dipaculao makaraang tambangan sa Baler-Casiguran Road, sa nasabing bayan.
Kinilala ang mga biktimang sina Narciso Amansec, 60-anyos, dating Alkalde ng nasabing bayan, asawang si Merlinda, 61- anyos at driver nilang si Leonard Talosa, 42-anyos.
Lulan ang mga biktima ng maroon Isuzu D-Max na may plakang CAU-1358 nang paulanan ng bala ng mga hindi nakilalang salarain sa Purok 1, Barangay Dibutunan, dakong ala-5 ng hapon noong Lunes.
Ayon kay Dipaculao Municipal Police Office chief, Maj. Eduardo Mendoza Jr., patungo sanang Barangay Diarabasin ang mga biktima nang maganap ang krimen.
Nagsasagawa na anya sila ng imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa pamamaslang at sino ang posibleng nasa likod nito.
Matapos ang tangkang pagreretiro sa pulitika dahil sa tatlong beses na pagkatalo, muling sumabak si Amansec sa pagka-bise gobernador pero natalo muli kay dating governor Gerardo Noveras noong May 9 elections.