Kumalas na ang isa sa mga inaasahang sparring partner ni UFC FighterConor McGregor na naghahanda para sa kanilang laban ni Floyd Mayweather, Jr.
Pahayag ni Paulie Malignaggi, dating kampeon sa Welterweight at Light-Welterweight Divisions, dismayado siya sa dinaranas niyang pambabastos mula sa kampo ni McGregor.
Ayon kay Malignaggi, hindi totoong na-knockdown siya ni McGregor sa kanilang sparring session.
Sa larawan kasi na ipinakakalat ni McGregor, makikita na nakaupo si Malignaggi na parang napatumba ng MMA Fighter.
Subalit, nagbabala nman si Maglinaggi na maglalabas siya ng video kung saan makikita ang buong pangyayari upang malaman ng publiko na itinulak lang siya ni McGregor kaya’t natumba siya.