Hindi sinunod ni resigned BUCOR Chief Benjamin Delos Santos ang kautusan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na manatili muna siya sa puwesto habang wala pang tugon ang Malakaniyang sa kaniyang irrevocable resignation.
Sinabi ni Delos Santos na sa halip na pigilan siya ang dapat gawin ni Aguirre ay magtalaga ng OIC sa BUCOR hanggat hindi pa nagtatalaga ng bagong hepe rito ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Delos Santos simula pa nuong Huwebes ay hindi na siya pumasok sa BUCOR nang isumite niya sa tanggapan ni Aguirre ang kaniyang irrevocable resignation na naka address sa Pangulong Duterte.
By: Judith Larino / Bert Mozo
Dating BUCOR Chief Delos Santos tinabla ang kautusan ni Sec. Aguirre was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882