Ipina a aresto muli ng Sandiganbayan si dating Budget Undersecretary Mario Relampagos.
Kasunod na rin ito nang kabiguan ni Relampagos na makabalik ng bansa nitong January 1 matapos payagan ng anti graft court na makapag biyahe pa Amerika nuong December 2, 2017.
Nabatid na nag manipesto ang mga abogado ni Relampagos hinggil sa ibat ibang dahilan may kaugnayan sa kaniyang kaso kayat hindi na ito makakabalik ng bansa.
Matapos ngang bigong makabalik ng bansa ipinaka kansela na ng Sandiganbayan sa DFA ang pasaporte ni Relampagos.
Kaugnay nito pinagpapaliwanag din ng Sandiganbayan ang mga abogado ni Relampagos hinggil sa pagsuway sa nilagdaang Affidavit of Undertaking kaugnay sa pag Cite for Contempt sa mga ito at posibleng pagsasampa ng kasong administratibo.
Si Relampagos ay isa sa mga akusadong nahaharap sa patong patong na kasong katiwalian sa Korte dahil sa PDAF Scam.