Nagsampa ng panibagong mga kaso ang Ombudsman laban kay dating Caloocan City Mayor Enrico “recom” Echiverri dahil sa umanoy maanomalyang drainage at construction projects sa lungsod mula 2011 hanggang 2013.
Kasama ni Echiverri na nahaharap sa kasong paglabag sa anti graft and corrupt practices act sina dating City Accountant Edna Centeno at City Budget Officer Jesusa Garcia.
Nahaharap din sa kasong falsification of public documents sina Centeno at Garcia.
Ayon sa Ombudsman pinaboran ni Echiveeri ang ilang kumpanya para sa mga naturang proyekto na nagkakahalaga ng 17.2 Million Pesos
Kabilang dito ang RAR Builders Incorporated, CAANA Construction Corporation, E.V and V. Construction at P.B Grey Construction.
By: Judith Larino