Nahaharap sa 6 na taon at isang buwang pagkakakulong si dating Camalig Albay Mayor Paz Muñoz at tatlo pa nitong kasamahan.
Ito’y makaraang ipag-utos na ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa apat bilang pagtupad sa hatol nito noong Setyembre 22.
Nahatulang guilty sa kasong graft si Muñoz dahil sa maanomalyang kontratang pinasok ng lokal na pamahalaan para sa maintenance ng 5 sasakyan ng munisipyo noong 2003.
Kabilang din sa mga ipinaaaresto ng Sandiganbayan ay ang dating OIC Municipal Accountant na si Rem Ortonio, Municipal Treasurer na si Armando Quintano at Municipal Engineer na si Rogelio Naz Jr.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)