Kinasuhan na ng Ombudsman si dating Camarines Norte Governor Jesus Typoco, Jr. at pitong iba pa dahil sa maanomalyang pagbili ng liquid fertilizers na nagkakahalaga ng Apat na Milyong Piso nuong 2004.
Kabilang sa mga kinasuhan sina dating Provincial Accountant Maribeth Malaluan, dating Provincial Legal Officer at BIDS And awards Committee Chair Jose Atienza at dating Provincial Agriculturist Rodolfo Salamero.
Nahaharap din sa kaso si Alex Rivera, Pangulo ng supplier na Hexaphil Agriventures Incorporated.
Ayon sa Ombudsman nakipagsabwatan ang mga opisyal kay Rivera para mapaboran ang Hexaphil sa pagbili ng liquid fertilizers.
Sinabi pa ng Ombudsman na hindi na validate ng respondents kung tunay ang mga dokumentong ibinigay ng Hexaphil bilang distributor at bigo ring ma check kung lehitimo ang nasabing kumpanya.
By: Judith Larino