Planong tumakbo ni Vice President Leni Robredo bilang gobernador sa kanilang probinsya sa 2022 national and local elections.
Ito ang ibinunyag ni dating Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr. sa gitna ng usap-usapan na pagtakbo umano ni Robredo bilang Pangulo.
Ayon kay Andaya, mismong si Robredo ang kaniyang nakausap at sa katunayan ay pinalitan na nito ang kaniyang bayan na Magarao mula sa Naga City.
Sinabi ni Andaya na nais niya sanang kumandidato bilang Pangulo si Robredo ngunit kaniya umanong nakikita na ang puso nito ay talagang pagseserbisyo sa kanilang probinsya.