Sumakabilang buhay na ang dating Gobernador ng Cavite na si Erineo ‘Ayong’ Maliksi sa edad na 82.
Batay sa Facebook post ng kanyang anak na si Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, nagpapasalamat siya sa paghubog sa kanya ng ama bilang isang pinuno na hindi tumatalikod sa tungkulin at bukod sa serbisyo-publiko ay isa rin aniyang mapagmahal at mapagkalingang ama.
Ayon pa kay Mayor Maliksi, hindi lamang sa buong bansa ipinamalas ng ama ang puso ng isang Imuseño at kagitingan ng tunay na Kabiteño ngunit pati sa pandaigdigang larangan.
Samantala, hindi naman inilagay ni Mayor Maliksi sa kanyang Facebook post ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ama.
Ang aming pamilya ay lubos na nagdadalamhati sa pagpanaw ng aking ama, Erineo “Ayong” S. Maliksi.
Higit sa pagiging…
Posted by Emmanuel Maliksi on Wednesday, 24 February 2021