Pinawalang sala ng Sandiganbayan si dating Commissioner on Higher Education (CHED) Executive Director Julito Vitriolo sa kaso nitong graft.
Ito ay kaugnay sa umano’y kabiguang mapatigil ang “diploma mill” sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) nuong 2012.
Inakusahan ang opisyal na walang ginawang aksyon laban sa pag-isyu ng PLM ng diploma at transcript of records (TOR) sa mga nagtapos sa suspendidong education program.
Ngunit batay sa ipinalabas na resolusyon ng first division ng anti-graft court, bigo ang prosekusyon na patunayang guilty si Vitriolo kaya’t ipinag-utos ang outright dismissal ng kaniyang kaso.