Binuweltahan ng Malacañang si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay ng pahayag ng pinatalsik na Punong mahIstrado na dapat nang mag-resign si Pangulong Rodrigo Duterte.
Inakusahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Sereno ng grandstanding at nais lamang magpapansin sa media.
Iginiit ni Roque na si Sereno ang lumabag sa Saligang Batas nang hindi ito maghain ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth o SALN at hindi si Pangulong Duterte.
Binigyang diin ni Roque na tinatamasa pa rin ng Pangulo ang mataas na satisfaction, approval, performance at trust ratings ng sambayanang Pilipino.
—-