Bukas si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tumakbong senador sa eleksyon sa susunod na taon.
Gayunman, agad nilinaw ni Sereno na isa lamang ito sa kanyang mga pinag-iisipang pasukin ngayong isa na siyang pribadong indibiduwal.
Pinag-iisipan rin anya niya na magbalik sa pagtuturo o paglahok sa mga people’s organization upang ipaglaban ang sa tingin niya dapat mabago sa pamahalaan.
Sinabi ni Sereno na sa ngayon, nais niyang maging boses ng mga inuusig at inaapi.
—-