Itinalaga ng Supreme Court (SC) bilang ‘friend of court’ si dating Chief Justice Reynato Puno.
Ayon sa SC, sa naturang pagtatalaga kay Puno bilang ‘friend of court’ maaari itong makatulong para maresolba ang mga isyu patungkol sa higit 30 mga petisyon kontra sa pagpapatupad ng Anti-Terror Law (ATL).
Bago kay puno, itinalaga ring ‘friend of court’ si dating Supreme Court Justice Francis Jardeleza.
Samantala, inaasahan na sa ikatlong araw ng oral argument para sa Anti-Terror law sa susunod na Martes, magsasalita si retired Justice Jardaleza patungkol sa kanyang mga argumento.