Nasawi matapos ma-stroke ang dating chief of staff ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr.
Si Atty. Richard Cambe ay nakakulong sa New Bilibid Prison noon pang 2018 kung kailan ito na convict sa pagbulsa sa P224. 5-milyong pork barrel ni Revilla.
Ayon kay Bureau of Correction (BuCor) Chief Gabriel Chaclag, naisugod pa sa ospital ng Muntinlupa si Cambe subalit binawian din ng buhay alas-6 kagabi.
Sinabi ni Chaclag na walang foul play sa pagkamatay ng dating chief of staff ni Revilla.
Humihingi naman aniya ng privacy ang pamilya ni Cambe.