Nagpapasailalim sa voluntary protective custody si dating Chief Supt. Wally Sombero.
Ayon ito kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos magtungo si Sombero sa DOJ para linisin ang pangalan nito.
Si Sombero ay idinadawit sa umanoy suhulan sa pagkaka aresto sa mahigit 1000 Chinese nationals sa pampanga na nagta trabaho ng walang kaukulang dokumento at ang establishment ay pag aari ng negosyanteng si Jack Lam.
Magugunitang sinabi ni Aguirre na si Sombero ang kumausap sa kaniya at nagsabing naghahanap umano ng Padrino si Lam.
By: Judith Larino