Lumabas na sa rehabilitation center ang dating child actor na si Jiro Manio kahit hindi pa napapanahon dahil hindi niya pa natatapos ang programa.
Ayon sa nasabing rehab center, nagpaalam ng maayos si Jiro at sinabing nais niya nang makasama ang kanyang pamilya.
Batay naman sa talent manager na si Lolit Solis, nangako umano si Jiro na magbabagong buhay na at tutulong sa adbokasiya ng pinanggalingang rehab center.
Sinabi rin ni Manay Lolit na hindi na makiki-alam pa ang aktres na si Ai Ai Delas Alas sa naging desisyon ni Jiro.
Matatandaang Hunyo ng taong 2015 nang makita si Jiro na nagpapalabuy-laboy na lamang sa NAIA Terminal 3 na agad namang tinulungan ni Ai Ai na makapasok sa rehab.
By Krista De Dios