Nanawagan si dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales kay Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ang pagpapasaring sa mga special rapporteur ng United Nations.
Paliwanag ni Rosales, ito marahil ang nagiging dahilan kung bakit dumarami ang mga tumutuligsa laban sa Pangulo lalo na sa usapin ng human rights.
Iginiit ni Rosales na hindi angkop para sa isang lider ng bansa gumamit ng mga katagang hindi kaaya-aya tulad ng pagmumura at kawalan ng respeto sa mga kababaihan.
Matatandaang makailang beses na binanatan ni Pangulong Duterte si UN Special Rapporteur Agnes callamard at ang walang gatol na pagsasabi nito na babarilin sa ari ang mga babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA).
—-