Mariing kinondena ni dating CHR o Commission on Human Rights Chair Loretta Ann Rosales ang mga pekeng balitang nagkalat ngayon sa social media.
Ito’y makaraang mabiktima mismo si Rosales ng mga tinatawag na fake news kung saan, pinalalabas na nakikisimpatiya umano siya sa Maute Terrorist Group na kasalukuyang kumukubkob ngayon sa Marawi City.
Batay sa lumabas na meme o artikulo mula sa iba’t ibang grupo, tutol umano si Rosales sa paggamit ng airstrike laban sa mga terorista at dapat aniyang tratuhin ang mga iyon ng may habag at dignidad.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa” sa DWIZ, nilinaw ni Rosales na kuha ang larawan sa ikatatlumpung anibersaryo ng CHR nuong Mayo 4 at mula iyon sa ABS-CBN reporter na si Mike Navallos
Pakingan: Bahagi ng panayam ng DWIZ kay dating CHR Chairperson Loretta Rosales
Bagama’t batid naman aniya ng lahat ang kaniyang pagiging human rights advocate, ngunit nilinaw ni Rosales na hindi iyon para sa mga terorista
Pakingan: Bahagi ng panayam ng DWIZ kay dating CHR Chairperson Loretta Rosales
By: Jaymark Dagala / BNSP