Inaresto ng mga awtoridad sa Amerika ang isang dating Central Intelligence Agency o CIA agent.
Ito ay matapos madiskubre ng US authorities ang hawak ni Hong Kong resident Jerry Chun Shing Lee ang isang unauthorized notebook na naglalaman ng identity ng undercover US spies.
Batay sa reklamo ng Justice Department sa New York Federal Court, hindi awtorisado si Lee na magdala ng mga naturang top secret materials.
Una nang hinalughog ng FBI agents, bitbit ang warrant ang mga bagahe ni Lee na nagbabiyahe noong 2012 sa Amerika.
Si Lee na lumaki sa Amerika at nagsilbi sa US Army ay kinasuhan ng unlawful retention of National Defense Information na maaaring magdala sa kaniya sa kulungan ng 10 taon.
Taong 2007 nang umalis sa Central Intelligence Agency si Lee bilang case officer dahil umano sa isang trabaho sa Hong Kong.
—-