Hinikayat ni dating Chief Justice Hilario Davide Junior ang mga mahistrado at empleyado ng Korte Suprema na irespeto ang “rule of law” upang mapanatili ang kanilang “judicial independence.”
Ito ang inihayag ni Davide sa gitna ng nagbabadyang impeachment trial ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Senado.
Ayon kay Davide, tanging ito ang paraan upang ipakita ang kanilang katapatan sa pinaka-mamahal nilang institusyon at demokratikong paraan.
Naka-aalarma rin anya ang pulitika sa hudikatura bunsod ng patuloy na panawagan ng mga mahistrado na magbitiw sa pwesto si Sereno.
Ipinaliwanag din ni Davide na ang naturang panawagan laban sa punong mahistrado ay mas malala sa impeachment at Quo Warranto.
Dating CJ Davide Binatikos ang panawagan na magbitiw na si CJ on-leave Sereno
Hindi nagustuhan ni dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr. ang ginawang panawagan ng mga hukom at kawani ng hudikatura na magbitiw na sa pwesto si Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno
Sa isang kalatas, giniit ni Davide na dapat igalang ng lahat lalo na ng mga kabaro ni Sereno ang karapatan nito na dumaan sa due process at hustisya
Sinabi pa ni Davide na masahol pa sa impeachment ang panawagang ito kasabay ng pag sang ayon sa mismong apela ni Sereno sa mga kawani ng hudikatura na huwag nang makisasaw pa sa pulitika.
Drew Nacino / Jennylyn Valencia