Nagsimula na ang Bureau of Internal Revenue o BIR na imbestigahan si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Mismong si Sereno ang nagkumpirmang nagpadala ng liham sa kanya ang BIR para isumite niya ang kanyang mga tax declarations simula pa noong 2004 at maging listahan ng kanilang mga household expenses.
Ayon kay Sereno, malinaw na pagpapakita ito na sinuman ang bumangga sa gobyernong ito ay haharap sa mga kaso at iba pang pagpapahirap.
Samantala, inaasahang anumang araw ngayong linggo ay ihahain na ng kampo ni Sereno ang kanilang motion for recondideration sa Korte Suprema.
Una nang umapela ang kampo ni Sereno sa Korte Suprema na palawigin hanggang Hunyo 9 ang deadline upang makasagot sa show cause order na inissue laban kanya.
Kaugnay ito sa kanyang pagpapahayag ng pagkadismaya sa ilang miyembro ng hudikatura.
Kinumpirma ni Atty. Josalee Deinla, isa sa mga tapagsalita ni Sereno na naghain na sila ng mosyon kahapon upang makapagsumite ng tugon ang pinatalsik na Punong Mahistrado.
Mayo 11 nang bigyan si Sereno ng sampung araw upang ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat i-sanction dahil sa paglabag sa code of professional responsibility at code of judicial conduct.
—-