Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating CNN Beijing Bureau chief Jaime Florcruz bilang bagong Philippine Ambassador to China.
Si Florcruz ay kabilang sa listahan ng mga nominado na kamakailan lamang ay inilathala ng Commission on Appointments.
Nakasaad sa dokumento na itinalaga ang dating mamamahayag noong Oktubre a – 19.
Gayunman, wala pang isinasapublikong appointment papers ang Malacañang hinggil sa pagkakatalaga kay Florcruz.
Bukod sa China, si Florcruz ay magkakaroon ng “concurrent jurisdiction” sa North Korea at Mongolia.
Sa edad na 71, si Florcruz ay nagsilbi bilang Beijing Bureau chief ng time magazine at correspondent ng Newsweek sa China.
Nito lamang Abril nang mabakante ang posisyon bilang Philippine Ambassador to China matapos pumanaw si Ambassador Jose Santiago “Chito” Sta. Romana sa edad na 74.