Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 6th Division ang pagbasa ng sakdal kay dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos.
Pinaboran ng Sandiganbayan ang hirit ni Abalos na huwag muna siyang basahan ng sakdal dahil maghahain pa siya ng motion for reconsideration sa desisyon ng Anti-Graft Court na ibasura ang kanyang mosyon na ibasura ang kanyang kaso.
Itinakda ng Anti-Graft Court sa Abril 27 ang pagpapatuloy ng arraignment sa kaso ni Abalos.
Ang kaso ni Abalos ay kaugnay sa pagbili ng COMELEC noong 2003 ng dalawang Toyota Revo halagang 1.71 million pesos nang hindi dumaan sa public bidding.
Revilla case
Samantala ipinagpaliban din ng Sandiganbayan ngayong araw ang nakatakda sanang pagdinig sa kaso nila dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. at dating Chief of Staff nitong si Richard Cambe sa Pebrero 23.
Kaugnay ito sa pagkakasangkot nila Revilla at Cambe sa sampung (10) bilyong pisong pork barrel fund scam ni Janet Lim Napoles.
Ayon sa Anti-Graft Court, kailangan muna kasi nilang resolbahin ang inihaing motion to quash ng dating Senador bago muling ituloy ang pagdinig sa kaso.
Kasunod nito, inatasan ni Sandiganbayan Justice Efren dela Cruz ng tig-limang araw ang prosekusyon at depensa upang maghain ng kani-kanilang memorandum kaugnay sa mosyon ni Revilla.
By Len Aguirre | Jaymark Dagala | Report from: Jill Resontoc (Patrol 7)