Umaasa si dating COMELEC Chairman Sixto Brillantes na mapapasama ang pangalan ni Senador Grace Poe sa listahan ng mga presidential candidate sa 2016 elections.
Ayon kay Brillantes, hindi tamang basta na lamang alisin ang pangalan ni Poe sa balota gayong nakabinbin pa ang resolusyon sa kanyang disqualification case sa poll body.
Kahit anya matalo sa kaso ang senador sa COMELEC ay maaari pa naman itong umapela o maghain ng mandatory injunction sa Supreme Court.
Hinimok din ni Brillantes ang COMELEC na agad resolbahin ang disqualification cases laban kay Poe at kapwa nito presidential aspirant na si Davao Mayor Rodrigo Duterte.
By: Drew Nacino