Inisyuhan na ng subpoena ng Senate Banks Committee si dating COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ito ay matapos na hindi na naman sumipot sa pagdinig ang poll chief kaugnay sa mga umano’y tagong yaman nito.
Sinabi ni Escudero na sa ilalim ng subpoena ay inoobliga at inuutusan si Bautista na dumalo sa pagdinig ng komite na itinakda sa a- dose ng Pebrero.
Kapag hindi pa rin aniya sumipot si Bautista ay mapipilitan ang Senado na i-cite for contempt ang dating COMELEC Chairman at ipaaresto ito sa ilalim ng Section 18 ng Rules of Governing Inquiries in Aid of Legislation.
Matatandaang inakusahan si Bautista ng kanyang misis na si Patricia dahil sa umano’y pagkakaroon ng halos Isang Bilyong Pisong halaga ng nakaw na yaman na hindi umano naideklara sa kanyang SALN o Statement of Assets Liabilities and Networth.