Bumwelta si dating House Deputy Speaker Erin Tañada sa mga taga-suporta ng pamilya Duterte matapos bansagang dirty politics ang pagtanggal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte sa National Security Council.
Ayon sa dating Kongresista, dapat alalahanin ng mga ito na ganito rin ang ginawa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong nasa posisyon pa si dating Vice President Leni Robredo.
Kung marumi aniya ngayon ang pagtanggal kay VP Sara, masasabing mali rin ang ginawa ni dating Pangulong Duterte kay dating Vice President Robredo.
Bagama’t hindi pormal na tinanggal ng dating Pangulo si dating VP Leni, matatandaang sinabi ng ni Atty. Robredo noong 2016 na pinigilan siya ng dating Pangulo na dumalo sa lahat ng pagpupulong ng Gabinete. – Sa panulat ni Laica Cuevas