Isa pang dating Congressman ang pinakakasuhan sa Sandiganbayan dahil sa PDAF scam.
Dalawang kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Practices Act, dalawang kaso ng malversation at isang kaso ng direct bribery ang ipinasasampang kaso laban kay dating Davao del Sur Congressman na ngayon ay Governor Douglas Cagas.
Batay sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, 16 na milyong piso ng PDAF ni Cagas ang pinadaan niya sa mga pekeng non-government organization ni Janet Lim Napoles.
Natuklasan ng Ombudsman na pawang ghost projects ang mga sinasabing livelihood projects na pinondohan ng PDAF ni Cagas.
Pinatunayan rin sa testimonya ng whistleblowers na nakatanggap ng mahigit sa 9 na milyong pisong kickback si Cagas.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)