Kakaladkarin na rin sa susunod na hearing ng Senate Committee on Public Information and Mass Media si Edward Angelo “Cocoy” Dayao, ang dating consultant ng Presidential Communications Operations Office ng Aquino Administration.
Ayon kay Senador Grace Poe, chairperson ng kumite, ipapa-subpoena na si Dayao makaraang hindi ito sumipot sa pagdinig, kahapon.
Magugunitang isiniwalat ng blogger na si RJ Nieto o Thinking Pinoy sa pagdinig na si Dayao ang nasa likod ng kontrobersyal na silent no more dot PH blog.
Inakusahan sa naturang blog ang pitong senador na “Tuta ng Malacañang” dahil sa pagtangging lumagda sa resolusyon kontra pagpatay sa mga menor de edad.