Pinayagang makapagpiyansa ng Palawan Regional Trial Court si dating Coron Mayor Mario Reyes.
Isa si Reyes sa mga pangunahing suspek sa pagpatay sa environmentalist at broadcaster na si Doc. Gerry Ortega.
Batay sa desisyon RTC Branch 52 Judge Angleo Arizala, kalahating milyong piso ang itinakdang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Reyes.
Gayunman, wala pang inilalabas na hiwalay na desisyon ang naturang korte hinggil kaparehong petisyong inihain ng kapatid ni Reyes na dating Palawan Gov. Joel Reyes.
By Jaymark Dagala