Nanindigan ang kampo ni dating Customs Chief Nicanor Faeldon na huwag lumabas sa kaniyang piitan sa Senado kahit inabswelto na siya ng Department of Justice o DOJ.
Kaugnay pa rin ito ng mahigit kalahating tonelada ng shabu shipment mula China na nagkakahalaga ng mahigit anim na bilyong Piso.
Ayon kay Atty. Jose Diño, abogado ni Faeldon, wala silang balak na maghain ng petisyon o hilingin sa Senado partikular na sa Senate Blue Ribbon Committee na palayain ang kaniyang kliyente.
Nagpasya aniyang manatili sa Senado si Faeldon kasunod na rin ng pagmamatigas nito na huwag dumalo sa mga pagdinig ng komite na aniya’y “in aid of persecution” at hindi naman “in aid of legislation”.
—-