Aminado si Senador Panfilo Lacson na “obsessed” talaga siya na idiin at patunayan na sangkot sa kurapsyon si dating Customs Commissioner Nic Faeldon dahil sa paghahamon nito.
Ayon kay Lacson na maraming Customs Deputy Commissioner na nasa listahan na tumatanggap ng tara ang nagpapaliwanag at nagbibigay pa ng mga dokumento at bukod tangi si Faeldon na sobrang ipokrito at nanghahamon pa.
Nagmamayabang at nagmamalinis pa anya si Faeldon kaya’t ibibigay niya ang gusto nito dahil kakasuhan na niya ito sa Ombudsman sa Huwebes ng smuggling na isang uri ng economic sabotage at non-bailable na kaso.
Sa Oktubre a-12 muling ipagpapatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga issue ng katiwalian sa Bureau of Customs.
Ulat ni Cely Bueno
SMW: RPE