Posibleng pauwiin na ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ito ayon kay Gordon ay kapag tumanggi pa si Faeldon na dumalo sa pagdinig ng Senado sa usapin ng 6.4 Billion Pesos na shabu shipment.
Gayunman nilinaw ni Gordon na masa cite for contempt pa rin si Faeldon.
Sinabi ni Gordon na hindi naman mapipilit si Faeldon na magsalita lalo nat hindi naman ito sanay na mabatikos at patuloy na masama ang loob sa ilang Senador na anito’y sinira ang kaniyang kredibilidad.
SMW: RPE