Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si dating Customs Chief Nicanor Faeldon sa Office of Civil Defense (OCD) na nasa ilalim ng Department of National Defense (DND).
Papalitan ni Faeldon bilang Deputy Administrator ng OCD si Rodolfo Santillan.
Magugunitang tinanggap ng Pangulo ang resignation ni Faeldon noong Agosto bilang pinuno ng Customs matapos masangkot sa naipuslit na mahigit anim na bilyong pisong (P6-B) halaga ng shabu shipment mula sa China.
Si Faeldon ay nakulong pa sa Senado matapos tumangging tumestigo sa hearing hinggil sa nasabing usapin.
Sen. Lacson at Defense Sec. Lorenzana sa pagkakatalaga kay Faeldon
Mananatiling nakakulong sa Senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon ito kay Senador Panfilo Lacson sa kabila nang pagkakatalaga dito ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang Deputy Administrator ng Office of Civil Defense.
Sinabi ni Lacson na hindi madidiktahan ang Senado para palayain si Faeldon, bagamat kinikilala nila ang prerogative ng Pangulo na italaga ang dating Customs Chief.
Uubra naman aniyang mag–trabaho si Faeldon habang nakakulong sa Senado hanggang mapawalang – sala ito sa kasong contempt.
Samantaka, welcome kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang appointment ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon kay Lorenzana, hindi na nila hiniling si Faeldon na isang honest, dedicate at competent official kaya’t tiyak na magiging asset ito sa Team OCD.
Sinabi ni Lorenzana na hindi sila nasabihan sa appointment ni Faeldon subalit welcome naman sa kanila si Faeldon.