Pumalag naman si dating Customs Chief Nicanor Faeldon sa naging pagbubulgar ni Senador Panfilo Lacson na tumanggap sya ng higit 100 Milyong pasalubong mula sa mga importer sa Bureau of Customs.
Ayon kay Faeldon, pawang mga akusasyon at walang ebidensya ang mga sinasabi ni Lacson laban sa kanya.
Aniya, nakakapagod na ang ginagawang paninira sa kanya ni Lacson gayong ito mismo ay mayroong anak na smuggler.
Una nang inakusahan ni Faeldon ang anak ng Senador na si Pampi Lacson na iligal na nagpapasok ng semento sa bansa na umabot ng 4.5 Bilyong Piso sa nakalipas na 14 na buwan.
Hinamon pa ni Faeldon ang Senador na kung kumpyansa ito sa kanyang mga akusasyon ay kasuhan sya nito sa Korte at hayaang ito ang magdesisyon.